Nobyembre 4, 2025, Espesyal na Halalan sa Buong Estado Anunsyo ng Serbisyong Pampubliko

Ang Registrar ng mga Botante ng Kondado ng Orange ay nakatuon sa pagprotekta sa karapatan ng bawat botante na bumoto nang madali at ligtas.

SANTA ANA, CA Oktubre 9, 2025 Nagsimula na ang pagboto para sa Espesyal na Halalan sa Buong Estado na gaganapin sa Nobyembre 4, 2025.

Ang mga balota ay ipinadala sa lahat ng aktibong rehistradong botante sa Kondado ng Orange nang mas maaga ng linggong ito.

Ang mga botante ay magkakaroon ng apat na opsyon para bumoto sa panahon ng halalang ito:

1.    Ipadala ang balota sa o bago ang Araw ng Halalan (hindi kinakailangan ang selyo). Para sa mga lokasyon ng mailbox, bisitahin ang ocvote.gov/mail

 

2.    Gumamit ng isa sa 124 na ligtas na drop box o apat na lokasyon ng drop off ng balota sa Kondado ng Orange. Para sa mga lokasyon, bisitahin ang ocvote.gov/dropbox

 

3.    Ihulog ang balota nang personal sa alinmang Sentro ng Pagboto sa Kondado ng Orange. Para sa impormasyon sa lokasyon at mga oras, bisitahin ang ocvote.gov/votecenter

 

4.    Bumoto nang personal sa alinmang Sentro ng Pagboto sa Kondado ng Orange.

 

Ang opisina ng Regitrar ng mga Botante sa Santa Ana ay mayroon ding drop box ng balota at available para sa lahat ng serbisyo sa mga botante para sa 2025 Espesyal na Halalan sa Buong Estado sa mga regular na oras ng negosyo, Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. - 5 p.m. Bisitahin ang ocvote.gov/about para sa higit pang impormasyon.

Simula sa Sabado, Oktubre 25, 2025, ang 32 Sentro ng Pagboto ay magbubukas ng 8 a.m. hanggang 5 p.m. nang hanggang Oktubre 31, 2025. Simula sa Sabado, Nobyembre 1, 2025, hanggang Nobyembre 3, 2025, magbubukas ang 66 na Sentro ng Pagboto mula 8 a.m. hanggang 8 p.m. Sa Araw ng Halalan, ang Sentro ng Pagboto ay magbubukas mula 7 a.m. hanggang 8 p.m.

Maaari ring tumawag ang mga botante sa aming Hotline ng Botante sa 888-OCVOTES o 888-628-6837 para sa higit pang impormasyon.

Ang iba pang mga detalye tungkol sa Nobyembre 4, 2025, Espesyal na Halalan sa Buong Estado ay matatagpuan sa website ng Registrar ng mga Botante sa Kondado ng Orange na (ocvote.gov/elections).

# # #

 

Tungkol sa Registrar ng mga Botante:

Ang Registrar ng mga Botante ang may pananagutan sa pagsasagawa ng mga halalan sa Kondado ng Orange, ang ikalimang pinakamalaking hurisdiksiyon sa pagboto sa United States na may 1.9 na milyong nakarehistrong botante. Kami ay isang ahensiya ng County, na tumatanggap ng pagpopondo mula sa Pangkalahatang Pondo ng County at pana-panahong pagbabayad mula sa pederal na pamahalaan, Estado ng California at mga lokal na hurisdiksiyon. Basahin ang higit pa >>

Mga Kontak ng Media:

Enedina Chhim

Tagapamahala ng Outreach ng Komunidad 

714-567-5197

[email protected]

Pinagmulan:

Registrar ng mga Botante sa Kondado ng Orange

PAALALA SA MGA EDITOR: Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang page ng Tungkol sa Amin o tumawag sa help line ng media ng Registrar ng mga Botante sa 714-567-5197.